PANGAKONG TUTUPARIN | Pope Francis, nangakong iimbestigahan ang Chilean scandal

Vatican – Ipinangako ni Pope Francis sa mga katoliko ng bansang Chile na hindi na pababayaan at pagtatakpan ang mga kaso ng sexual abuse na ginagawa ng ilang kaparian.

Ayon sa Santo Papa, nagpadala na siya ng dalawang top sexual abuse investigators para siyasatin ang krisis sa Chile.

Pinuri rin ni Pope Francis ang mga biktima ng pang-aabuso na isiwalat ang katotohanan.


Tiniyak ng Vatican na hindi na muli mauulit ang kultura ng pang-aabuso.

Facebook Comments