PANGAKONG TUTUPARIN? | Supresa sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte, asahan – Malacañang

Manila, Philippines – Asahan na ang supresa ni Pangulong Rodrido Duterte sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

Gayunman, tumanggi si Presidential Communication Assistant Secretary Ana Maria Paz Banaag na sabihin kung ano ito.

Ayon kay Banaag, hindi na magiging supresa kung ipapaalam na sa publiko kung ano ito.


Pero hindi aniya ito nalalayo sa mga naipangako ng Pangulo noong kampaniya gaya ng pagsugpo sa ilegal na droga, korapsyon, kriminalidad at ang panukalang pagpapalit sa federal government.

Tiniyak naman ni Banaag, na wala itong kinalaman sa no el o no election dahil kongreso na ang bahala rito.

Facebook Comments