Pangalagaan ang mga estudyante at freedom of expression, ipinanawagan ng CHR kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng National Campus Press Freedom Day

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan at educational institutions na pakinggan ang boses ng mga estudyante at tiyakin na mapo-protektahan ang freedom of expression.

Ang panawagan ng CHR ay kasunod ng pagdiriwang ngayong araw ng National Campus Press Freedom Day sa bansa.

Sa inilabas na statement ng komisyon, sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia na maging ang mga kolehiyo at unibersidad na dapat sana ay ligtas na lugar para sa mga mag-aaral na pag-usapan ang mga social issues ay nakararanas din ng harassment.


Binigyan diin nito na ang press freedom sa loob ng mga paaralan ang humuhubog sa mga susunod na henerasyon ng pinuno ng bansa, kaya dapat itong pangalagaan.

Ang National Campus Press Freedom Day ay unang idineklara noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act no. 11440.

Facebook Comments