Pangalagaan ang Philippine Rise, panawagan ni Senator Villar

Philippine Rise – Isinusulong ni Committee on Environment and Natural Resources chairperson Senator Cynthia Villar ang proteksyon ng Philippine Rise na pinakahuling naidagdag sa teritoryo ng Pilipinas.

Ang pahayag ay suporta din ni Senator Villar sa panawagan ng Oceana at iba pang concerned groups para sa agarang proteksyon ng Philippine Rise na isa ring resource-rich waters at spawning ground ng assorted fish species.

Ang mensahe ni Senator Cynthia ay suporta din sa kautusan ni President Rodrigo Duterte na pangalanan ang Philippine Rise at ang planong pagtatayo ng permanent facility dito.


Ang Philippine Rise na naunang tinawag na Benham Rise ay mahigit 24-million ektaryang lupain sa ilalim ng karagatan malapit sa Aurora Province at sakop ng Philippine Exclusive Economic Zone at Continental Shelf.

Magugunitang upang makakuha ng suporta para sa proteksyon ngg Philippine Rise ay pinangunahan ni Villar, kasama sina Senators Sherwin Gatchalian at Juan Miguel Zubiri, at Atty. Gloria Estenzo Ramos, na Vice President, Oceana Philippines, ang pagbubukas sa Senado kamakailan ng exhibit tungkol sa Philippine Rise.

Kabilang din sa event ang 20-minute film showing tungkol sa expedition sa Benham Bank, na binuo ng team ng scientists mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, University of the Philippine Marine Biological Society and Oceana.
DZXL558

Facebook Comments