Pangalan ng 90,000 benepisyaryo ng ayuda sa Cagayan de Oro City, ina-update pa

76

Pinalawig pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Northern Mindanao ang pag-update ng listahan ng pangalan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay 4Ps information officer Oliver Inodeo, karamihan sa mga listahan ng mga nasa barangay ay mga pangalan lamang ng mga head ng pamilya kaya hinihingi ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang kumpletong pangalan ng iba pang mga miyembro.

Ito ang tugon ng CSWD matapos na umabot lamang sa P1,000 ang ibinigay na ayuda kada pamilya na dapat ay aabot sa P4,000 kung mayroong apat o higit pang miyembro sa isang tahanan.


Facebook Comments