Pangalan ng ilang paliparan sa Russia, pinalitan

Pinalitan ni Russian President Vladimir Putin ang pangalan ng ilang paliparan sa mga Russian Tsars at Space Pioneers.

Matatandaang isang online poll ang inilunsad para kunin ang pulso ng publiko para iboto kung sino ang mga kilalang personalidad na ipapangalan sa 40 airport sa Russia.

Kabilang sa mga ito ang writer na si Anton Chekhov at Operatic Tenor Dmitri Hvorostovsky.


Ang Sheremetyevo Airport ay papangalanan na mula sa national poet na si Alexander Pushkin.

Ang airport sa city ng Yuzhno-Sakhalinsk ay ipapangalan kay Chekov.

Sa ngayon, halos lahat ng paliparan sa Russian ay may pangalan base sa kanilang geographical location.

Facebook Comments