Pangalan ng mga banyagang sumali sa mga rally kaugnay sa ASEAN Summit, kinukuha na ng PNP sa Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang ASEAN Security Task Force sa Bureau of Immigration para kunin ang pangalan ng mga banyagang sumali sa mga rally nitong ilang araw na ginanap ang ASEAN summit sa bansa.

Ayon kay Interior and Local Government officer-in-charge Catalino Cuy wala silang naarestong banyaga pero natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Hindi na rin tinukoy ni Cuy kung ilang banyaga ang sumali sa ilang araw na kilos protesta sa Metro Manila.

Ang Philippine National Police na aniya nag bahalang gumawa ng aksyon laban sa mga banyaga.


Matatandaang una nang binalaan ni Cuy ang mga banyagang sasali sa anumang kilos protesta para sa ASEAN Summit ay mahahaharap sa agarang deportation.

Paliwanag ni Cuy walang karapatan ang sinumang banyaga na ilahad ang kanilang saloobin o ipatupad ang freedom of expression dahil ito ay para lamang sa mga Pilipino.

Facebook Comments