Pangalan ng mga barangay chairperson na sinuspinde ng Ombudsman, tinukoy ni Pangulong Duterte

Isa-isang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 89 na barangay chairperson na pinatawan ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman.

Ito ay may kinalaman sa kwestyunableng pamamahagi at pagpapatupad ng Social Amelioration Program.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, iginiit ni Pangulong Duterte na ang perang ipinamamahagi ay para sa mga mahihirap.


Nakiusap pa ang Pangulo kay Ombudsman Samuel Martires na tanggalin sa pwesto ang mga ito kapag napatunayang sangkot sa korapsyon.

Muli ring nagbabala ang Pangulo sa mga local government officials na huwag masasangkot sa korapsyon dahil may kaakibat itong parusa mula sa gobyerno.

Facebook Comments