Kinakailangan nang ipaskil ng mga Local Government Units ang pangalan ng mga benepisyaryong makakatanggap ng ayuda bago pa man ang gagawing payout.
Ito ang inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development para sa mga lugar na umiiral ang Enhanced Community Quarantine.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na ito ay upang matiyak na hindi magkakaroon ng kalituhan sa listahan ng mga bibigyan ng cash assistance.
Bukod diyan, magtatayo na rin ang bawat LGU ng local grievance and appeals committee upang mapadali ang paghahain ng apela ng mga residente at agad itong maaksyunan.
Facebook Comments