Pangalan ng mga biktima sa Jolo twin bombing , inilabas na

Inilabas na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) ang pangalan ng mga biktimang nasawi sa dalawang pagsabog sa Cathedral of our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu.

Ayon kay AFP Westmincom Spokesperson, Colonel. Gerry Besana nasa 20 ang patay kung saan 14 ang sibilyan, limang sundalo, at isang Philippine Coast Guard Personnel.

Aabot naman sa 102 ang sugatan na kinabibilangan ng 85 sibilyan, 15 sundalo, at dalawang tauhan ng PCG.


Walo sa mga sugatang biktima ay inilipad patungong Zamamboanga City sa pamamagitan ng C-130 para doon ipagamot.

Facebook Comments