Pangalan ng mga kongresista na kontraktor din ng mga palpak at ghost flood control projects, dapat isapubliko

Mahalaga para kay House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na mailantad ang pangalan ng umano’y mga kongresista na kontraktor din o may kinalaman sa mga palpak at ghost flood control projects.

Sinabi ito ni Ridon kasunod ng pahayag nina Senator Panfilo Ping Lacson at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may mga kongresista ang sangkot sa katiwalian o kick-back sa mga flood control projects.

Ayon kay Ridon, wala silang listahan ng sinasabing mga legislator-contractors kaya inaasahan niya na masisiwalat ang mga ito sa pagdinig ng Kamara.

Tiniyak naman ni Ridon, na sa kanilang pagdinig ay mabibigyan ang nabanggit na mga mambabatas ng pagkakataon na magpaliwanag.

Facebook Comments