Nakatakdang isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na itinuturong utak ng ‘agaw bato’ modus.
Ito ang sinabi ni Senador Bong Go matapos kumpirmahing hawak na ng Malacañang ang listahan ng pangalan ng mga opisyal.
Una rito, naglabasan ang mga ulat na si PNP Chief General Oscar Albayalde umano ang ulo ng “ninja cops”.
Pero ayon kay Go – hindi niya papangunahan ang Pangulo sa paglalabas ng listahan.
Ipinagtanggol naman ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa si Albayalde at sinabing itataya niya ang kanyang buhay at pangalan para sa integridad ng PNP chief.
Samantala, rerespetuhin ng PNP sakaling magdesisyon din ang Senado na isapubliko ang pangalan ng mga “ninja cops”.
Pero pakiusap ng PNP, gawin ito nang maingat para maprotektahan ang karapatan ng mga pulis laban sa undue persecution.