Pangalan ng PCC, pinalitan na ayon sa Malakanyang

Binago ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangalan ng dating Presidential Complaint Center o PCC.

Batay sa inilabas na Executive Order No. 15 na pirmado ng presidente na may petsang February 8, 2023, ginawa niya na itong Presidential Action Center o PAC.

Paliwanag ng pangulo na dapat nang palitan ang dating PCC upang masiguro na ang pangalan nito ay consistent with the nature at saklaw ng trabaho nito.


Matatandaang taong 2016 nang maging PCC ang unang dating presidential complaints and action office o PCAO, na itinatag para tumanggap ng mga hiling, reklamo at hinaing mula sa publiko at i-refer sila sa tamang ahensiya ng gobyerno.

Sinabi pa ng pangulo na bukod sa mga trabahong ito, kabilang na rin sa trabaho ngayon ng PCC ay magbigay ng tulong sa publiko, at social services, gaya ng pagtugon sa mga reklamo laban sa mabagal na proseso sa gobyerno at iba pang tulong.

Facebook Comments