Pangalawa sa tinuturing na persons of interest sa Bulacan Massacre, natagpuang patay!

Bulacan – Isa pa sa limang persons of interest sa Bulacan Massacre ang nasawi matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-maskara sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Bandang alas onse kaninang umaga, nang pasukin ng dalawang lalaki ang bahay nina Roosevelt Surima kung saan ito pinagbabaril.

Sa exclusive interview ng RMN sa ina ni Roosevelt na si Rosario Surima – aniya, nakatanggap na ng banta ang kanyang anak na uubusin umano nang kanilang lahi.


Kasabay nito, nanawagan si nanay Rosario sa PNP na imbestigahan ang pagpatay sa kanyang anak.

Facebook Comments