Pangalawang araw ng transport strike ng Piston, minimal lang ang epekto -MMDA

Manila, Philippines – Hindi masyadong naramdaman ang ikalawang bahagi ng transport strike na ikinasa ngayong araw ng grupong Piston.

Ayon kay MMDA Operations Chief Vic Felizardo ito ay dahil sa ayuda na ibinibigay ng gobyerno sa mga mananakay partikular ang mga libreng sakay.

Pero paglilinaw ng MMDA hindi libre yung mga bus dahil ito lamang ang pumalit sa ruta ng mga jeep na nakilahok sa tigil pasada.


Tanging ang mga govt. vehicles lamang aniya ang libre tulad ng mga military trucks at shuttle.

Base sa kanilang monitoring may ilang pasaherong nahirapang makasakay partikular sa bahagi ng Cubao, Guadalupe, Monumento pero kakaunti lamang ito at agad naayudahan.

Samantala, hanggang mamayang hapon aniya sa uwian ng mga empleyado mula sa private sector aalalay ang mga libreng sakay ng gobyerno.

Sapat na tauhan din aniya ng MMDA ang nakakalat upang tiyaking hindi magdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang kilos protestang isinasagawa ng grupong Piston.

Facebook Comments