Binigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang Chinese-made Sinopharm na ibinigay sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Cristina Guevara, inilabas ang pangalawang EUA nitong August 19 matapos ganapin noong June 7 ang una nitong EUA.
Nabatid na bawat donasyon ng mga bakuna ay kailangang magkaroon muna ng EUA kung saan ang aplikante ay ang Department of Health (DOH).
Ang iba pang bakuna na nabigyan ng EUA ay ang; Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac’s Coronavac, Gamaleya Sputnik V, Janssen’s COVID-19 vaccine, Bharat Biotech Covaxin at ang Moderna’s mRNA vaccine.
Facebook Comments