Pangalawang kasal nina Vicki Belo at Hayden Kho, tinaguriang ‘wedding of the year’

Showbiz – Mahigit 250 guests na mula sa mga malalaking pangalan sa showbiz industry and dumalo sa tinaguriang ‘Wedding of the Year’ nina Vicki Belo at Hayden Kho sa isang American church sa Paris.

Nanatiling pribado ang kanilang church wedding dahil ipinagbawal ang mga bisita na gumamit ng smartphone sa loob ng simbahan.

Samantala, sa uploaded picture ng mag-asawa sa official Instagram page ng Belo Medical Group, nag-ala-reyna si Dra. Belo sa couture blush wedding gown nito na idinisenyo ni Michael Cinco.


Kabilang sa mga dumalo sa kasal ay ang mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kung saan ring bearer ang kanilang anak na si Nate.

Present din sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Lucy Torres, Richard Gomez, Piolo Pascual, Jinkee Pacquiao at iba pa.

Facebook Comments