Ininspeksyon nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito G. Galvez, Jr. at Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon ang pangalawang mega-swabbing Center ng Metro Manila sa Enderun Tent sa Taguig.
Ito’y matapos buksan sa publiko kahapon ang unang mega-swabbing Center sa Palacio de Manila sa Roxas Boulevard para sa mass-testing ng mga posibleng may COVID-19 sa NCR.
Maliban sa dalawang pasilidad na nakatakda ring buksan ngayong linggo ang dalawa pang mega swabbing centers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, at Philippine Arena sa Bulacan.
Ang mga mega-swabbing center ay may kapasidad na 5,000 “tests” kada araw.
Sa kabuuan ay 78 testing centers sa buong bansa ang target na maitayo ng pamahalaan bago matapos ang buwan ng Mayo.
Sinabi ni Sec. Vince Dizon na kapag nakumpleto na ang mga ito ay kakayanin na ng pamahalaan na makapagsagawa ng 30,000 COVID-19 tests araw-araw mula sa kasalukuyang 5,000.