CAUYAN CITY, ISABELA – Personal na inispeksyon ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ang sinalakay na mega-shabu laboratory sa Cauayan City, isabela kahapon.Sa nasabing raid, napatay ng mga pulis ang dalawang Taiwanese National na lumaban sa pagsisilbi ng search warrant ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 2, PNP Anti-Illegal Drugs Group ng Camp Crame, Police Regional Office 2, Isabela Police Provincial Office at Cauayan City Police Station.Ang mga napatay ay kinilala na si Kim Uy alyas Atong Lee habang ang isa ay nakilala lamang sa pangalang “Chua”.Natagpuan sa warehouse ang mga apparatus at equipment sa paggawa ng shabu.Ayon kay Dela Rosa nag-uumpisa pa lamang sa paggawa ng shabu ang laboratoryo kaya liquid chemical lang ang nakumpiska.Ikinagulat naman ni Gov. Faustino Dy ang nadiskubreng shabu lab ng Cauayan City kung saan kayang maggawa ng 200 hanggang 400 kilos ng shabu, per-cycle.Narekober rin ng mga otoridad ang isang caliber 45 na may mga bala, isang 9mm machine at isang toyota hilux.
Pangalawang Pinakamalaking Shabu Laboratory Sa Isabela, Ininspeksyon Ni Pnp Chief Ronals Dela Rosa – Dalawang Taiwanese
Facebook Comments