Pangalawang taon ng pandemya, mas mabigat ayon sa WHO offcial

Mas magiging mahirap at mabigat ang laban ng buong daigdig sa pangalawang taon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay WHO Top Emergencies Official Mike Ryan, nagiging mahirap dahil nag-iiba ang transmission dynamics ng mga bagong variants.

Mas mabilis na kumakalat ang virus sa northern hemisphere o hilagang parte ng mundo partikular sa Europe at North America kung saan malamig ang panahon.


Sinabi naman ni WHO’s Technical Lead for COVID-19 Maria Van Kerkhove, lumala pa ang sitwasyon sa ilang bansa matapos ang holiday season.

Nanawan ang WHO sa lahat na sundin ang physical distancing.

Sa ngayon, umaabot na sa dalawang milyong katao sa buong mundo ang namatay sa pandemya.

Facebook Comments