Manila, Philippines – Pinakikilos ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Health o DOH para pag-ibayuhin ang pagpapaliwanag sa publiko ng kahalagahan ng bakuna kasunod ng pagtaas ng kaso tigdas sa buong bansa. Bunga ito ng takot sa bakuna dahil sa kontrobersyal na Anti-Dengue Vaccine na Dengvaxia. Ayon kay Hontiveros, dapat alamin na agad ng DOH ang mga lugar kung saan laganap ang tigdas at kumbinsihin ang mga residente doon na magpabakuna. Nangangamba naman si Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito na magpatuloy at mas lumaki pa ang problema sa pagkalat ng ibat ibang uri ng sakit kung hindi masosolusyunan ng DOH ang pagkawala ng tiwala sa pagbabakuna. Apela naman ni Senator Richard Gordon sa mamamayan, protektahan ang kalusugan sa pamamagitan ng pagpapabakuna na siya ring pipigil sa outbreak ng iba’t ibang sakit sa bansa.
PANGAMBA | DOH, kinalampag ng ilang senador dahil sa pagtaas ng kaso ng tigdas
Facebook Comments