Malabong mapunta sa kamay ng China ang Reed Bank na may mga imbak na gas reserves.
Tiniyak ito ng Justice Sec. Menardo Guevarra sa harap ng pagkakautang ng Pilipinas sa Tsina.
Sa kanyang pagdalo sa oathtaking ng bagong officers ng Justice Reporters Organization (JUROR), Sinabi ni Guevarra na masyadong maliit ang halaga ng utang ng Pilipinas kumpara sa ibang mga naunang utang ng bansa.
Naniniwala din ang kalihim na marami pang ibang paraan sakali mang hindi mabayaran ng Pilipinas ang 62- Million US dollars na loan sa China na ginamit sa Chico River Pump Irrigation Project.
Ilan sa hinalimbawa na mekanismo ni Guevarra ay ang loan restructuring program at arbitration clause.
Facebook Comments