Manila, Philippines – Pinawi ng PAGASA ang pangamba ng publiko kasunod ng pag-ulan ng yelo kahapon sa ibat ibang bahagi ng bansa kabilang na ang Quezon City.
Ayon kay PAGASA Weather division chief Dr. Esperanza Cayanan, normal lang ito lalo na kung sobrang init ng pahahon.
Paliwanag ni Cayanan na nagkakaroon ng “convective activity” kapag mainit kung saan lumalaki ang ulap at nakakaabot ito ng lagpas sa freezing level na siyang nakabubuo ng yelo.
Dagdag pa ni Dr. Cayanan, maari pang magkaroon ng susunod na pagbagsak ng yelo sa mga lugar na mayroong mas mainit na temperatura.
Facebook Comments