Pangamba ng publiko sa pagpasok ng mga turista sa bansa mula China, pinawi ng DOT

Pinawi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco ang pangamba ng publiko sa pagdagsa sa bansa ng daan-daang mga turistang Chinese.

Sa harap ito ng mataas na kaso ng COVID-19 sa China.

Sinabi ni Frasco na karaniwan na sa alinmang bansa ang mga sakit o anumang virus tulad ng COVID-19.


Ayon sa kalihim, ang mahalaga ay naipatutupad at nasusunod ang minimum health standards sa bansa.

May nakalatag din aniya ang Pilipinas na protocols para sa mga dumarating na mga dayuhan gaya ng Chinese nationals.

Ipinunto ni Frasco na dapat ay mabalanse ang pagprotekta sa kalusugan ng publiko at ang hanapbuhay para makabangon ang negosyo ng mga Pilipino.

Ang Pilipinas kasi ay kabilang sa 20 mga bansa sa pilot program ng China para sa outbound group travel.

Facebook Comments