Pinawi ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ang pangamba ng publiko kaugnay sa mabilis na pag-transmit ng mga boto ngayong 2022 elections.
Ayon kay LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos, normal at wala silang nakikitang kahina-hinala sa mabilis na transmission ng mga boto sa transparency server.
Kumpara noong 2019 at 2016 elections, sinabi ni Caritos na mabilis talaga ang transmission ngayon dala na rin ng improvement sa infrastructure ng internet sa bansa.
Una nang kinilala ng Commission on Elections (COMELEC) ang mabilis na vote transmission ngayon, kung saan ito na ang pinakamabilis simula nang umpisahan ang automated elections sa bansa.
Facebook Comments