Sinigundahan ng security expert na si Prof. Rommel Banlaoi ang pahayag ng Department of National Defense na walang nakikitang security risk sa pagpasok ng Dito Telecom sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay Banlaoi na siyang direktor ng Center for Intelligence and National Security Studies, pinawi nito ang pangamba ng publiko sa posibleng national security ng pagtatayo ng cell site ng Dito sa mga military camp.
Ayon kay Banlaoi, batay sa pag-aaral ng National Cybersecurity Plan, may mga nakalatag na security measures upang maprotektahan at hindi makompromiso ang national interest ng bansa.
Sinabi rin ni Banlaoi na batay sa pag-aaral niya sa kontrata ng mga private telcos sa bansa, parehas lang ang nilalaman na kontrata ng Dito Telcom sa Globe at Smart.
Sa kabila nito, pinayuhan ni Banlaoi ang pamahalaan na mas lalo pang palakasin ang cyber security ng bansa lalo na’t top of the line na ang narating ng China pagdating sa Information Technology.