Pangamba ni VP Sara na magkadayaan sa halalan, tinabla ng Comelec

Pinawi ng Commission on Elections (Comelec) ang pangamba ni Vice President Sara Duterte na magkaroon ng sinasabing dagdag-bawas sa resulta ng halalan sa Mayo.

Sa ambush interview, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na malabo ang sinasabing manipulasyon ng mga boto sa ilalim ng automated election system.

Ayon kay Garcia, walang basehan ang alegasyon at wala pa aniyang naitatalang ganitong insidente mula nang lumipat sa automated elections 15 taon na ang nakalipas.


Tiniyak pa ng poll body na maraming paraang upang ma-verify at makumpirma ang resulta ng halalan sa bawat presinto.

Facebook Comments