Pangamba sa Anti-Terrorism Bill, “unfounded” at “cerebrally challenged” ayon kay Panelo

Sinupalpal ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang mga kritiko kasunod ng mga ikinakasang online at offline protest laban sa pagsusulong ng House Bill 6875 o Anti-Terrorism Bill.

Ayon kay Panelo, “unfounded” o walang batayan ang kanilang mga akusasyon.

Hindi rin aniya totoo na paparusahan ang mga kritiko sa pamamagitan ng panukalang batas.


Nakasaad sa Saligang Batas na pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at protektahan ang bawat mamamayan.

Binigyang diin ni Panelo na kailangan ng gobyerno ng isang batas na tutugon sa terorismo.

Ipinunto rin ni Panelo na ang panukalang batas ay binibigyang kahulugan ang terorismo base sa kung ano ang nakikita ng buong mundo hinggil dito at kung paano ito ikinakasa.

Hindi sakop ng panukalang batas ang pagsasagawa ng mass actions tulad ng rally na hindi layong makapanakit o magdulot ng pinsala o kamatayan.

Iginiit din ni Panelo na mahalagang palawigin ang warrantless arrest sa mga suspected terrorist sa 24 na araw.

Ang Anti-Terrorism Council na binubuo ng Executive Secretary, National Security Adviser at ilang miyembro ng gabinete ay ibabase ang kanilang findings sa mga isusumite ng law enforcement officers.

Facebook Comments