Pinawi ni House Appropriations Committee Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo ang pangamba ng publiko ukol sa halaga ng uutangin ng pamahalaan para punan ang 2023 proposed national budget gayundin ang pondo na inilaan para sa pambayad utang.
₱5.268 trillion ang proposed 2023 national budget, ang ₱3.6-T nito ay kukunin sa projected tax at non-tax revenues habang ang ₱2.2-T naman ay mula sa borrowings.
Paliwanag ni Quimbo, ang ₱2.2-T na borrowings ng pamahalaan ay pasok pa sa range.
Dagdag pa ni Quimbo, hindi rin dapat ipag-aalala ang ₱611-B na inilaang pondo para sa debt service payment o pambayad utang dahil 11 percent lamang ito ng kabuuang panukalang budget sa susunod na taon.
Ayon kay Quimbo, tumaas ito ng 1-porsyento dahil dahil sa mga inutang natin noong COVID-19 pandemic.