Pinawi ng isang maritime expert ang pangamba ng publiko sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na “Chinese invasion” kapag gumamit ng nuclear weapon si Russian President Vladimir Putin laban sa Ukraine.
Sinabi ni UP Director of the Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Professor Jay Batongbacal sa panayam ng RMN Manila na walang dahilan sa ngayon ang Tsina upang lusubin sa Pilipinas.
Ayon kay Batongbacal, nakamit naman ng Tsina kahit papano ang mithiin nito sa West Philippine Sea kaya mahihirapan lamang manakop ito ng bansa.
Dagdag pa nito, hirap din ang Tsina kung saan ito titindig sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Samantala, sinisi naman ni Batongbacal sa Duterte administration ang nagpapatuloy na aktibidad ng tsina sa Spratlys Island kung saan nakapagtayo ito ng mga istraktura at establisiyimento sa ilang isla na armado ng anti-ship at anti-aircraft missile systems.