Binigyang-diin ni Senador Mark Villar ang pangangailangan ng mga hakbang laban sa online piracy, at sinabing karamihan sa illegal activities na may kinalaman sa piracy ay isinasagawa ngayon online.
Sa budget deliberations ng Optical Media Board (OMB) noong Martes, sinabi ni Villar na ang technological means para sa piracy ay nag-evolve sa paglipas ng mga taon, at kailangan ang crackdown laban sa online pirates.
“Wala nang niri-raid kasi lahat nasa online na halos,” sabi ni Villar.
Ang OMB ay may hurisdiksiyon lamang kontra physical piracy at hindi sa online content.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay walang legislative mandate upang harangin ang mga site na may pirated content. Ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), ang National Telecommunications Commission (NTC), at ang internet service providers ay nagsasanib-puwersa lamang upang magpatupad ng stopgap measures para harangin ang mga site na may pirated content.
Dalawang magkahiwalay na bills — Senate Bills 2150 at 2385, ang kasalukuyang nakahain sa Senado upang amyendahan ang IP code at alisin ang umiiral na limitasyon nito upang saklawin ang electronic at online content “within the definition of pirated goods.”
Naunang sinabi ni Villar na ang pagpasa sa mga bills na ito ang reresolba sa mga isyu ng online piracy sa sandaling maisabatas ang mga ito.
Dati ring pinamunuan ni Villar ang Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship at pinangunahan ang public hearings sa dalawang nasabing bills. Ang komite ay pinamumunuan ngayon ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Noong 2022, ang Pilipinas ay nawalan ng $700 million dahil sa piracy ng Filipino-made TV shows at movies, kung saan ang bansa ay pinangalanan bilang isa sa top consumers ng pirated content sa Asia, ayon sa YouGov 2022 Piracy Landscape Survey.
Sa pagtaya ni IPOPHL Director General Rowel S. Barba, ang Pilipinas ay mawawalan ng $1 billion na kita sa 2027 kapag nagpatuloy ang mga alalahanin hinggil sa online piracy.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kinukuha ng piracy ang 7.1 percent ng gross domestic product ng bansa.
Nagreresulta ito sa pagkawala ng kita para sa bansa at ng kabuhayan, at forgone revenue for the country and loss of livelihood, at nagbabanta rin itong mag-inflict ng malware sa mga device na gumagamit ng pirated content, na maaaring magbigay-daan sa scams.