
Patuloy na nagsasagawa ng assesment ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga naapektuhan ng Bagyong Lannie at habagat.
Ayon sa DSWD, nasa 4,070 kasi na pamilya o binubuo ng 12,394 na indibidwal ang iniulat na apektado ng mga pag-ulan at pagbaha dulot ng mga sama ng panahon.
Kasunod nito, mahigit P1.6 milyon naman na ang halaga ng tulong na naipamahagi ng DSWD Region 2 sa mga pamilyang naapektuhan ng habagat at Bagyong Lannie sa lambak-Cagayan.
Sa pinakahuling datos ng ahensiya, kabuuang 2,780 family food packs (FFPs) ang naibigay sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng DSWD-Region 2.
Mula sa nasabing bilang, 2,100 FFPs ang naipamahagi sa Santiago City, 542 sa bayan ng Diffun, Quirino; at 138 family food packs sa Saguday, Quirino.
Tiniyak naman ng ahensya na sapat ang mga family food packs at naka-preposition pa rin ito sa lahat ng warehouse sa bansa bilang paghahanda na rin sa mga kalamidad na posibleng pumasok sa bansa.









