Pangangailangan ng mga residenteng apektado ng lindol sa Visayas region, tiniyak ng Pangulo na maibibigay

Leyte – Personal na namigay ng relief goods si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Ormoc City, Leyte.

Batay sa inilabas na larawan ni Presidential Communications Assistant Secretary Margaux Uson ay makikita na si Pangulong Duterte ang nagabot ng mga relief good at kinakausap isa-isa ang mga residente.

Matatandaan na kahapon ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang situation briefing sa Ormoc upang malaman ang mga aksyong ginawa na ng pamahalaan para maibigay ang pangangailangan ng mga apektadong residente hindi lamang sa Ormoc kundi sa buong Visayas region na matinding tinamaan ng lindol.


Tiniyak din naman ni Pangulong Duterte sa mga residente na agad na aaksyon ang pamahalan para matugunan ang kanilang mga pangangailangan at humingi din ito ng dispensa dahil kahapon lang siya bisita sa lugar, paliwanag ng pangulo, mayroon kasing nangyayaring bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments