Nagsagawa ang Department of Science and Technology (DOST) Ilocos Region ng Community Needs Assessment (CNA) sa mga Barangay San Jose at Salvacion, Sto. Tomas, Pangasinan.
Ayon sa tanggapan, hakbang ito upang ihanda ang bayan bilang ika-sampung LGU Beneficiary ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) Program sa Pangasinan.
Dagdag dito, magsisilbing batayan ang resulta sa pagsasagawa ng intervention ng CEST sa pagtugon sa pangangailangan ng bawat barangay.
Sa naturang aktibidad, umabot sa 42 key informants ang lumahok sa focus group discussions kabilang ang barangay officials, health workers, educators, at community representatives na nagbahagi ng kanilang obserbasyon.
Kapag tuluyang nailunsad ang programa dadagdag ang Sto.Tomas sa mga bayan tulad ng ilang barangay sa Dagupan City, Bolinao, Mapandan, Aguilar at Bani.
Ang Community Empowerment through Science and Technology (CEST) ay isang programa na naglalayong mapagaan ang kahirapan sa pagbibigay ng karampatang interbensyon na may kinalaman sa agham at teknolohiya na tutugon sa pangangailangan sa kalusugan, tubig, literasiya, kabuhayan at kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









