PANGANGALAGA SA COASTAL AT MARINE ECOSYSTEM SA INFANTA, PINAIGTING

Patuloy na pinapaigting ng ilang bayan sa Western Pangasinan ang pangangalaga sa marine protected areas na nakapaloob sa kanilang nasasakupan.

Isang pagpupulong ang nilahukan ng mga agriculturist at environmentalist sa bawat bayan ng Bani, Bolinao, Burgos, Infanta, Daso at Anda ang Isinagawa.

Tinalakay dito ang bagong regulasyon sa pagpapatupad ng programa sa mga Marine Protected Areas at pangangalaga sa mga coastal at marine ecosystems dito.

Layunin nitong magkaisang pahalagahan ang mga yamang dagat sa bawat bayan bilang pangangalaga sa kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments