Nagpapatuloy sa lungsod ng Alaminos ang mga inisyatibong tumututok sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapalawak ng kaalaman sa waste management.
Kamakailan ay nagsagawa ng oryentasyon ang City Environment and Natural Resources Office, katuwang ang Department of Science and Technology – Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) at DOST Pangasinan na nakapokus pagpapalawak ng kaalaman sa waste management at makatulong pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad.
Dinaluhan ito ng mga Waste Analysis and Characterization Study (WACS) cooperator mula sa iba;t-iang sektor sa lungsod.
Nabigyan ang mga ito ng kaalaman at kasanayan pagdating sa Basic WACS procedures, pagtukoy ng sample sizes, health, at safety guidelines sa pagsasagawa ng WACS, at paghahanda sa dry run at WACS proper.
Ang pagbabahaging ito ay inaasahang mapaghuhusay ang waste management plan sa lungsod.
Samantala, isa ang natural resources na hatid ng kalikasan tulad na lamang ng hundred islands ang nakatutulong sa pagpapaunlad ng turismo ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







