Sa pagsalubong ng bagong taon, paalala sa mga Pangasinense na magsimula ng mga simple ngunit makabuluhang gawain na makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan laban sa epekto ng climate change.
Binigyang-diin ng Pangasinan PDRRMO ang mga kayang-kayang climate actions na maaaring gawin sa tahanan at komunidad.
Kabilang dito ang ‘Patay Ilaw, Patay Sayang’ na naglalayong makatipid sa kuryente at makabawas sa carbon emissions.
Isinusulong din ang BYO Everyday o ang pagdadala ng sariling eco-bag at tumbler upang mabawasan ang konsumo sa basura, gayundin ang tamang waste segregation para sa mas maayos na pangangalaga sa kapaligiran.
Bahagi rin ang pag-iipon st paggamit ng tubig-ulan para sa pagdidilig ng mga halaman at iba pang gawaing-bahay.
Giit ng tanggapan, nagsisimula sa tahanan ang climate action.
Sa taong 2026, layunin ng inisyatibong ito na mahikayat ang bawat mamamayan na pumili ng climate-smart at disaster-ready lifestyle para sa mas ligtas, mas malinis, at mas matatag na lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










