Pangangalaga sa kapakanan ng mga taong may psoriasis, lusot na sa komite ng Kamara

Pinagtibay na sa House Committee on Health ang panukalang “National Psoriasis Care Act” para sa kapakanan ng mga taong mayroong ganitong sakit.

Ayon sa chairman ng komite na si Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, layon ng House Bill 9821 na itaguyod ang kalagayan at maging bahagi ng isang produktibong myembro ng lipunan ang mga taong may sakit na psoriasis.

Binanggit ng mambabatas na bagama’t hindi nakakahawa ang psoriasis, ang mga may ganitong sakit ay walang lunas, lubhang masakit, nakakaapekto ng anyo at nagbibigay ng kapansanan sa isang tao.


Kapag naisabatas, magkakaroon ng National Psoriasis Care and Control Program na magsasagawa ng mga aktibidad upang mapabuti ang buhay ng mga taong may psoriasis at mabawasan ang bigat na dulot ng sakit.

Tinatayang nasa dalawang milyong mga Pilipino o dalawang porsyento ng populasyon sa bansa ang mayroong psoriasis na makikinabang sa panukala.

Facebook Comments