Manila, Philippines – Binigyang diin ng Department of Education (DepEd) na isa sa mahalagang leksyon ng mga bata ang pangangalaga sa kapaligiran.
Ngayon lamang kabundok at samo’t saring basura ang naiwan ng mga deboto sa Traslacion ng Poong Nazareno.
Kaliwa’t kanan din ang naririnig na reklamo ng makakalikasan sa lumalalang kawalan umano ng disiplina ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura.
Ayon kay DepEd spokesperson Nepomuceno Malaluan, parte pa rin ng asignaturang edukasyon sa pagkatao ang pangangalaga sa kapaligiran.
Naglilinis ang mga mag-aaral sa eskwelahan pero minsan hindi naisasapuso dahil kaagaw sa atensyon ang social media.
Hamon ngayon sa guro at magulang na turuan ang mga bata bilang maging responsableng Pilipino na hindi nagkakalat kung saan-saan.