Nananawgan si ACT Teachers Party-list Representative France Castro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibigay ang pangangalaga sa kapakanan at proteksyon sa karapatan ng mga Lumad children lalo na ang karapatan nila sa edukasyon.
Ayon kay Castro, matagal ng napapabayaan ang mga kabataang Lumad kaya sila ay nananatiling mahirap at uhaw sa edukasyon.
Binanggit ni Castro na ito ang dahilan kaya sila ay humingi ng tulong sa iba’t iba’t ibang group at nagtayo ng mga paaralan na ipinasara naman.
Ang hiling ni Castro ay PBBM ay kasunod ng hatol na guilty sa kanya at kay ka Satur Ocampo ng Davao del Norte Regional Trial Court Branch 2 dahil sa kasong child abuse ng ilang kabataan noong 2018 – bagay na kanilang pinalagan dahil wala anilang basehan at imbento lang ng nakaraang administrasyon at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).