Pangangalaga sa mga karagatan ng bansa, mensahe ni PBBM ngayong Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na alagaan at pahalagahan ang karagatan kasabay ng pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo) 2025.

Sa kaniyang opisyal na mensahe, ipinaalala ng Pangulo na ang dagat ay matagal nang bahagi ng kasaysayan ng bansa, mula sa paglalayag at pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno, hanggang sa pagtatanggol ng soberanya laban sa mga dayuhan.

Binigyang-diin din ng Pangulo na ang karagatan ay mahalagang yaman ng Pilipinas na pinagmumulan ng pagkain, sentro ng kalakalan, at susi sa pag-unlad ng ekonomiya.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na patuloy na isinusulong ng pamahalaan, sa tulong ng National Maritime Council at Presidential Office for Maritime Concerns, ang mga programang makatutulong sa agrikultura, enerhiya, negosyo, at agham na may kinalaman sa karagatan.

Nanawagan din si PBBM sa mga institusyon, lokal na pamahalaan, at mamamayan na magtulungan sa pangangalaga ng dagat at baybayin, upang mapakinabangan ito ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments