
Binigyang-diin ang pangangalaga sa oral health sa mga chikiting sa San Carlos City sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Philippine Oral Health Month.
Kahapon, Pebrero 23, 2026, binisita ng Dental Division ng City Health Office ang Tarece Daycare Center kung saan nagsagawa ng mga lecture tungkol sa wastong pagsisipilyo at pangangalaga ng ngipin.
Namahagi rin ng oral hygiene kits sa mga bata at nagsagawa ng iba pang kaugnay na aktibidad upang hikayatin ang maagang paglinang ng tamang dental habits.
Layunin ng inisyatiba na mapataas ang kamalayan ng mga bata at kanilang magulang sa kahalagahan ng pagpapanatili ng malusog na ngipin bilang bahagi ng pangkalahatang kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








