Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na poprotektahan at pangangalagaan ang karapatan ng mga lesbians, gays, bisexuals at transgenders o LGBT community.
Ayon sa Pangulo, siniguro nito na walang mangyayaring pang-aapi at kikilalanin ang kanilang papel sa lipunan.
Nagpahayag din ang Pangulo ng suporta sa same-sex marriage.
Para maitatag ang same-sex marriage, kailangang baguhin ang batas dahil ang salitang ‘kasal’ ay nangangahulugang pag-iisang dibdib sa pagitan ng lalaki at babae.
Umaasa ang Pangulo na matigil na ang diskriminasyon base sa kanyang kasarian.
Facebook Comments