Manila, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ng Commission on Elections (Comelec) ang campaign regulations lalo na sa social media.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – bagaman at may mga butas ang ilang regulasyon, hindi dapat ito ipinagsasawalang bahala ng ilan.
Aniya, masidhing implementasyon ang kanilang gagawin sa buong campaign period.
May inilatag ding mekanismo para sa mga kandidato na magbigay ulat ukol sa paggamit ng social media sa pangangampanya.
Inabisuhan na ng poll body ang Facebook at iba pang social media platforms tungkol sa campaign regulations.
Facebook Comments