Pangangampanya ng mga lokal na kandidato, magsisimula na ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ang kampaniya para sa lokal na posisyon na sasabak sa halalan sa Mayo 13, 2019.

Kasabay nito, nagpaalala si Comelec Spokesman James Jimenez na mahigpit nilang ipapatupad ang mga patakaran laban sa mga ilegal campaign poster.

Giit pa ni Jimenez, dapat ding kontrolin ng local candidates ang kanilang supporters para maging maayos at walang maging problema sa pangangampanya.


Maliban rito, dapat rin aniyang iwasan ng mga lokal na kandidato na makabulabog sa mga residente sa kanilang pangangampanya.

Inamin naman ni Jimenez na mas madaling pasunurin ngayon ang mga kandidato kumpara noong mga nakaraang halalan, dahil na rin sa pinaiiral ng poll body na shame campaign.

Facebook Comments