Utos ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan na mas paigtingin ang pagpapatrolya lalo na sa gabi dahil inaasahan na ang mga kabataang mangangaroling na tradisyon tuwing papalapit ang Kapaskuhan.
Ayon kay Eleazar, pinatitiyak nya sa mga pulis sa field ang mahigpit na seguridad at siguraduhing nasusunod ang health protocols.
Importante ayon sa PNP chief na patuloy na sumusunod sa health protocols kahit pa bumababa na ang kaso ng COVID-19.
Dagdag pa nito kung nais ang mas masayang pagdiriwang ng Pasko ay huwag magpapakampante.
Batay aniya sa panuntunan ng Department of Health ang mga mangangaroling ay dapat magsuot ng face mask at face shield.
Facebook Comments