Pangangaroling sa NCR sa Pasko, papayagan na – DOH

Papayagan na ang taunang tradisyon na pangangaroling sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.

Sa harap na rin ito ng patuloy na pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa kung saan una nang pinayagang makalabas ang mga bata.

Pero paalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat na nakasuot ng face mask at face shield ang mga mangangaroling.


Aniya, naglalabas ng mas maraming respiratory droplets ang tao kapag kumakanta at pinapataas ang panganib na magkahawaan ng virus.

Suportado rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sakaling payagan na ang street caroling.

Matatandaang noong nakaraang Christmas holiday, ipinagbawal ang pangangaroling para maiwasan ang pagsipa ng COVID-19 cases.

Facebook Comments