MANILA – Nakatakdang ilipat sa mga susunod na buwan ang pangangasiwa sa citizen complaint hotline na 8888 ng Duterte administration sa Office of the President.Ang 8888 hotline ay kasalukuyang hawak ng Civil Service Commission.Ayon kay CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, batay sa inilabas na Executive Order no.6 noong nakaraang taon – ang Office of the Cabinet Secretary na ang mangangasiwa sa buong command center ng 8888 hotline.Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na magpapatuloy pa rin serbisyo ang komisyon.Dahil bago pa man mailunsad ang 8888 hotline ay mayroon na silang “contact center ng bayan”, na tugon naman sa anti-red tape act noong 1997.Anya – inilipat ito sa tanggapan ng pangulo para mas madaling matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.Sa ngayon, tatlong shift na nakaduty sa 8888 hotline kung saan mayroong labing limang agent kada shift ang nakahandang sumagot ng inyong mga tawag at reklamo.
Pangangasiwa Sa Government Hotline Na 8888 – Hahawakan Na Ng Office Of The President
Facebook Comments