Pangangasiwa sa IATF, ipinalilipat sa NEDA

Iminungkahi ng isang health advocate na ilipat sa National Economic Development Authority (NEDA) ang pangangasiwa sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Dr. Tony Leachon, miyembro ng Advisory Council of Experts (ACE), dahil mas nakatutok tayo ngayon sa pagpapasigla ng ekonomiya ay mainam na pamunuan ang IATF ng economic team ng administrasyon ng sa gayun ay maging mas mabilis ang proseso ng decision making.

Sa pamamagitan nito, mas matututukan din ng Department of Health (DOH) ang marching orders dito ni Pangulong Bongbong Marcos.


“Kung more of economic tayo over the health, dahil kaya nating i-manage, baka dapat ang mag-head ng IATF ay NEDA na tapos segunda ang Department of Health para maka-focus din ang DOH on the marching orders of the president dahil madami-rami rin ‘yon. And then, maasikaso rin po yung PhilHealth na lagi ring nagkakaproblema, tsaka yung FDA maayos na rin po, para sa ganon e tuloy-tuloy po tayo,” paliwanag ni Leachon.

Ayon pa kay Leachon, mahalaga na makapagtalaga na rin si Pangulong Marcos ng kalihim ng DOH.

“In the time of the pandemic, ang lider lahat ang tinitingnan. Kasi hindi natin masisisi ang pangulo at hindi pa siya nakakapili.

“I think, dalawa kasi ang pinanggagalingan. Gusto niyang makapili ng secretary of Health na talagang confident na natutunan na yung failures of the past, the COVID-19 pandemic response, para sa ganun ay maayon dun sa binabalak niyang agenda. So, maaaring hindi pa siya nakakakita ng isang taong with certain degree of the ability with the competence. Pangalawa, maaaring nakakita na siya pero hindi naman angkop sa panlasa ng kanyang mga principal,” pahayag ni Leachon.

Kasalukuyang tumatayong officer-in-charge ng DOH si Dr. Maria Rosario Vergeire.

Facebook Comments