Pangangasiwa sa mga lokal na ospital, pinapabalik ni Sen. Trillanes sa DOH

Manila, Philippines – Inihain ni Senador Antonio “Sonny”F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 626 na naglalayong ibalik sa nationalgovernment, sa pamamagitan ng Department of Health, ang operasyon at pangangasiwang mga ospital na kasalukuyang nasa ilalim ng lokal na pamahalaan.
 
Ayon kay Trillanes, isa sa mahahalagang pagbabagong ipinatupad ng Local Government Code of1991 ay ang devolution ng sistemang pangkalusugan, sa paniniwala na mas batidng mga lider ng mga lokal na pamahalaan kung saan mas higit kailangan angserbisyong ito at paano ito bibigyang prayoridad.
 
Ngunit, matapos aniya ang maraming taon ng pagpapatupadnito, ay bumaba ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa maraming bahagi ng bansa.
  Ilan sa mga kadahilanang tinukoy ay: ang mababangprayoridad na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga isyung pangkalusugan,ang korapsyon sa sistema ng pagbili ng mga gamot, at ang hindi pagbibigay ngsapat na benepisyo sa mga health workers.
  May kakulangan din aniya sa pondo ang mga lokal napamahalaan para tustusan ang operasyon ng mga ospital at bigyan ng sapat nasahod at benepisyo ang mga manggagawa nito.
  Sa ilalaim ng Panukala ni Trillanes, ang mga“re-nationalized” na ospital at Rural Health Units/Centers ay pahihintulutanggamitin ang kanilang kita upang isaayos ang kanilang sariling pasilidad at mgaserbisyo, batay sa kanilang ipapa-aprubang supporting financial and work planssa DOH.
  Dagdag pa ni Trillanes, target din ng kanyang panukalangna matulungan natin ang mga lokal na pamahalaan mula sa problemang pinansyal nadulot ng pagpapanatili ng mga ospital na ito.
 

Facebook Comments